Lunes, Disyembre 12, 2011

Nakakatuwa at nakakalungkot

Parehong nakakatuwa at nakakalungkot ang dumalo sa Medical-Dental Mission. Aatikihin ka ng makabilang-dulong pakiramdam na kapwa magpapasigla at pipiga sa iyong puso. Nakakatuwa dahil masaya sa pakiramdam ang tumutulong; hindi lamang dahil sa mabilis na pagbugso ng adrenalin dulot nang hindi magkamayaw na maraming pasyente at ng pangangailangang harapin sila kundi  dahil na rin mismo sa pakiramdam na may naitutulong ka. Habang sa kabilang dulo naman nito ay ang nakakalungkot na imahe ng kahirapan at ng kakulangan ng kalingang medikal at dental sa mga mamayan. Ang nagdudumilat na mukha ng kahirapan at kawalan ng atensyon mula sa pamahaalan ay mababanaag mo sa bawat mukha ng batang kulang sa nutrisyon at ng matatandang iginugupo kapwa ng edad at kumplikadong mga karamdaman. May naitulong ka sa isang araw na pagpapagod, may nabigyan ka ng mga gamot, pero hanggang kailan ito aabot? 


Batang tadtad ng di-ko-alam-kung-ano-pero-makating-makati na sakit sa balat















Batang nakakatuwa dahil kahit hindi mo sabihing magpose siya-kusa siyang nagpose sa cam. Hawak-hawak niya ang dalawang kahon ng gamot mula sa misyon.

___________________

December 11, 2011 • Cutcut sa loob ng Hacienda Lusita, Tarlac City
(Teka lang, kala ko ba tagumpay ang Stock Distribution Scheme dito sa asyenda? Bakit andaming nangangailangan ng medical at dental attention?) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento